Bliss!
May mga prinsipyo sa buhay ang hindi ko napapansin dati ngunit ngayo’y aking napagtanto na dapat ko nang isabuhay. Ang lalim. Haha. Pero seriously.. madami akong napagbulay-bulay ngayong bakasyon! HAHA.
NEVER ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED.
Alam na alam ko na tong prinsipyong to. Matagal na. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapasok-pasok sa isipan ko ito. Parang ilang beses na ata akong nasaktan dati dahil di ko sinusunod to, pero bilang lang naman sa daliri. I don’t know if nature lang ba talaga ng mga babae ang pagiging assuming or, ako lang talaga. Haha. Pero iba na ngayon. Nakatatak na to sa puso’t isip ko. Level-up na, kumbaga. Kung ma-confuse man ako, babalik agad ako sa reality. Kasi kung gusto ka talaga ng isang tao, sasabihin niya to sayo, at dapat sa harap mo, sa pagmumukha mo. Ayos ba? :D
YOU MUST TAKE LIFE LESS SERIOUSLY. SO DO ANYTHING THAT MAKES YOU HAPPY.
Hmm. I must admit.. siguro nga I somehow take things seriously. Pero, naisip ko.. Ang nature ng buhay, seryoso talaga. Kung makikiagos ka pa sa seriousness neto, napaka-dull na ng buhay mo.
Sabi nga ng kaibigan ko, “Bakit ba natin gustong mag-aral? Bakit gusto natin makagraduate at makapaghanap ng magandang trabaho? Para matulungan ung family natin, para matustusan ung mga pangangailangan natin at mga kagustuhan natin. Bakit gusto natin tulungan ang pamilya natin at mabili lahat ng gusto natin? Kasi gusto natin maging masaya. Sa lahat lahat ng bagay na ginagawa natin iisa lang ung gusto natin talaga.. ang maging masaya while at the same time mapaglingkuran si God.”
Tama! Kaya kahit san pa tayo dalhin ng ating buhay, sa gitna man ng problema’t pagsubok.. at the end of the day.. wag nating kalimutang gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin, dahil ito ung mag-momotivate satin para ipagpatuloy ang pakikibaka sa buhay. :3
Gusto kong maging masaya! At eto na ang simula! :D